‘Jovit bumirit pa rin kahit pinagbawalan na ng doctor’ – Pamilya

Naglabas ng official statement ang pamilya ng singer na si Jovit Baldivino matapos itong pumanaw dahil sa brain aneurysm madaling araw ng Biyernes (December 9, 2022)

Ayon sa mga mga magulang ng singer bago isugod sa ospital noong December 4, isang linggo na itong umiinom ng maintenance medicine para sa hypertension.

Pinagbawalan na din umano itong bumirit o kumanta habang nagpapagaling.

Subalit noong Dec. 3 ay naimbitihan umano si Baldivino ng isang family friend na dumalo sa isang party sa Batangas City.

Nabuyo si Jovit ng mga fans at mga bisita kaya napilitan itong kumanta ng tatlong signature song katulad ng ‘Faithfully’ ng Journey.

Sa ikatlong kanta ay nag-umpisang mahirapang huminga ang Pilipinas Got Talent First Grand Winner at matapos ang isang oras ng pagkaka-upo ay bigla nalang itong nagcollapse.

Na-commatose si Jovit sa loob ng limang-araw sa Nazareth of Jesus Hospital sa Batangas City hangang tuluyan na itong bawian ng buhay kaninang madaling-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *