Juan Jumalon, wala raw natanggap na death threat – PNP

Wala raw natanggap na death threat ang napatay na radio brodkaster na si Juan Jumalon bago siya pagbabarilin noong Linggo.

Sa panayam , sinabi ni acting Misamis Occidental police chief Dwight Monato, kailan pa nilang i-enhanced ang kuha ng mga CCTV sa loob at labas ng bahay ng biktima upang mabuo ang sketches ng mga natitirang salarin.

Nauna nang inilabas ng mga awtoridad ang composite sketch ng isa sa dalawang kasabwat sa insidente.

Sinabi pa ni Col. Monato na sa ngayon ay tinitingnan nila ang lahat ng anggulo ngunit mas tinututukan daw nila ang personal na motibo sa krimen.

Samantala, kasalukuyan nang nasa police protection ang pamilya ng biktima maging ang mga saksi upang matiyak ang kanilang seguridad at buong kooperasyon para maresolba ang kaso ni Jumalon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *