Juban-LGU, patuloy ang preserbasyon ng ‘old houses’ bilang pangunahing tourist spot ng lugar

SORSOGON CITY- Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Juban Sorsogon na patuloy ang suporta na kanilang isinasagawa upang mapresrerba ang mga lumang bahay sa lugar na kanilang pangunahing tourist attraction.  

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon kay Juban-LGU Administrator Mary Jean Peña, tinitiyak nito na nalilinisan at napupuna ang mga dapat na makumpuning parte ng mga sinaunang bahay kung ito ay naiulat na may sira na.

Ayon kay Peña, bagama’t nasa panahon ngayon ng pandemiya ay may paisa-isa pa rin umano na mga bisita ang tumutungo sa lugar upang makita ang mga lumang bahay.

Ang Old Houses ay isa sa mga atraksyon ng pamana ng Lalawigan ng Sorsogon na matatagpuan sa nasabing bayan. Ang mga bahay ay binubuo ng kahoy at bato na nagpapakita ng old Spanish design, tampok din ang mga pre-Spanish windows.

Dito naging tanyag ang bayan ng Juban sa mga lumang bahay na itinatag pa noong Spanish period. Pinapanatili at pinangangalagaan nito ang kultura at pamana ng bayan, bagaman ang ilan sa mga bahay ay naayos dahil sa natural na kalamidad at pagtanda, may mga tao na piniling panatilihin ang orihinal na istraktura ng kanilang mga bahay.

PHOTOS: pinoyadventurista.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *