Judy Ann Santos, proud mom sa acting ng kanyang anak

Proud MOM-ent ang nararamdaman ng aktres na si Judy Ann Santos matapos puriin ng karamihan ang natural acting ng kanyang anak na si Luna Agoncillo sa isang TV commercial.

“Grabe” na lang ang nasabi ng aktres matapos ipakita ni Luna ang kanyang skills sa pag-arte kaya tuwang-tuwa sila Juday at kanyang asawa na si Ryan Agoncillo rito.

Dagdag pa nito, masaya siyang nag-enjoy si Luna sa set, lalo na’t sa mga crew at production staff na nakapalibot sa kanya.

Naniniwala si Juday na importante kay Luna na kilala nito ang mga taong nakakatrabaho para maging komportable siya sa kanyang gagawing pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *