Uncategorized

Junna Tsukii, wagi ng ginto sa Karate Premier League sa Portugal

Nagwagi ng gintong medalya ang Filipino-Japanese na si Junna Tsukii sa ginanap na Karate Premier League sa Lisbon, Portugal.

Tinalo ng 29-anyos na Southeast Asian Games gold medalist ang karibal nito na si Moldir Zhangbyrbay ng Kasazkstan, sa score na 2-0, para sa women’s-50k kumite gold.

Ito na ang pinakamalaking panalo na nakuha ni Tsukii matapos nito masungkit ang ginto sa Golden Belt Karate tournament sa Cacak, Serbia noong Marso.

Sinabi ni Tsukii sa kanyang Facebook post na ang ginto na nakuha niya sa Lisbon ay ang unang medalya niya mula sa world stage.

Umaasa naman si Tsukii na nakaipon siya ng sapat na puntos mula sa Lisbon para makaangat ito sa No.1 spot sa Asya, na magbibigay naman sa kanya ng spot sa Tokyo Olympics.

Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong pwesto si Tsukii kasunod lamang ng mga pambato ng Iran at China na sina Sara Bahmanyar at Li Ranran.

BNFM Makati

Recent Posts

Katukuran sa footbridge sa Tagbina Surigao del Sur, Gikahinaman

Gikahinaman sa mga katawhan sa Barangay Quezon, Tagbina, Surigao del Sur ang pagatukurong footbridge human…

49 mins ago

Mga service vehicle ng gobyerno, balak palitan ng electronic vehicle

Balak ni Pangulong Bongbong Marcos na mapalitan ng electric vehicle ang mga service vehicle na…

56 mins ago

Konsehal mihangyo sa mayor sa pagpalit og alcohol breath analyzer

GIHANGYO karon sa Sangguniang Panlungsod (SP) sa GenSan mayor nga mopalit og latest nga alcohol…

56 mins ago

2 gituohang miyembro sa NPA, mitahan

MITAHAN sa kapulisan sa Maasim, Sarangani Province ang duha katao nga gituohang miyembro sa New…

1 hour ago

Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown bisita sa installation and canonical possession ng bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY- Gaganapin na bukas Mayo 2, ang installation and canonical possession ng bagong Arsobispo…

1 hour ago

Pagnanakaw sa baterya ng truck na panghakot ng basura sa West Tapinac sapul sa cctv

Nakunan ng cctv ang aktwal na pagnanakaw sa baterya ng truck ng West Tapinac, Olongapo…

1 hour ago