Justice Secretary Remulla, ‘di na raw papatulan si Bantag

Ayaw na raw patulan pa ni Justice Secretary Boying Remulla ang mga bagong rebelasyon ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag hinggil sa pagkamatay nina Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Sa isang pahayag, pinahuyan ni Remulla na harapin na lamang ni Bantag ang mga reklamong kinahaharap nito.

Una na kasing idinawit ni Bantag sa isang panayam ang ilang mga convicted drug lords na ‘di umano’y nasa likod ng pagpatay kina Lapit at Villamor.

Partikular na rito si German Agojo na umano’y bossing ng self-confessed gunman na si Joel Escorial at ng napatay na middleman na si Villamor.

Sa ngayon, sinabi ni Remulla na ‘no comment’ na muna siya sa panawagan ni Bantag na mag-resign na ang Kalihim bilang Secretary ng DOJ dahil sa isyung kinahaharap ng kanyang anak na nahaharap sa mga drug charges.

Bago ito, una nang sinabi sa isang DOJ statement na hindi nila idinidiin si Bantag sa kaso at sadyang siya lang talaga ang itinuturo ng lahat ng mga ebidensyang lumutang sa imbestigasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *