Justin Brownlee, positibo sa isinagawang doping test

Positibo sa drug test ang Gilas Pilipinas wingman na si Justin Brownlee noong Asian Games sa Hangzhou China ayon sa International Testing Agency.

Ayon sa ITA, nakitaan ang sample nito na mayroong bakas ng carboxy-THC na karaniwang nauugnay sa marijuana.

Kasama rin ni Brownlee na magtest ang player ng Jordan na si Sami Bzai noong Sabado, matapos ang laban ng dalawang koponan sa 5×5 men’s basketball, kung saan nanalo ang Gilas ng gintong medalya.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ng ITA na positibo naman si Bzai sa ipinagbabawal na steroid na dehydrochloromethyl-testosterone metabolite.

Dagdag pa ng testing agency, maaaring magrequest ang mga players ng kanilang B-samples.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *