Sports

Justin Chua ng NLEX nakuha ng TNT sa three-team trade sa PBA

Inaprubahan ng PBA ang three-team trade na nagpadala kay Justin Chua sa TNT Tropang GIGA.

Unang ipinadala ng NLEX Road Warriors sina Chua, Paul Varilla at ang second-round pick nito para sa PBA Season 48 draft sa Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Bilang kapalit, nakuha ng Phoenix sina Jake Pascual at Sean Anthony. Pagkatapos ay ipinadala ng Fuel Masters sina Chua at Varilla sa Tropang GIGA kapalit nina JJay Alenjandro at Raul Soyud.

Nakuha ng NLEX si Chua noong February 2022 sa Governors’ Cup. May average itong 9.2 points at 4.2 rebounds para sa Road Warriors sa katatapos lang na Commissioner’s Cup.

Ang 10th overall pick sa 2013 PBA Rookie Draft, si Chua ang Defensive Player of the Year noong 2020 nang maglaro para sa Fuel masters.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Paghihigpit ng bayan ng Labo gagawin para hindi na muling makapasok ang ASF

CAMARINES NORTE - Mas lalong maghihigpit ang Pamahalaang lokal ng bayan ng labo upang mapanatili…

8 mins ago

42 establisemento, inisyuhan ng notice ng SSS

KORONADAL CITY – NASA 42 na mga establisemento komersyal na sakop ng Social Security System…

8 mins ago

Kaso nin pertussis sa Albay, nasa 14 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Nasa 14 na an mga kaso nin pertussis o whooping cough an…

14 mins ago

Numero kan mga bagong botanteng nagparehistro sa Bicol, uminabot sa labi 110k

LEGAZPI CITY – Uminabot sa 110,582 an numero kan mga bagong botante na nagparehistro sa…

19 mins ago

Pagbusisi ng jeepney modernization dapat isagawa sa kabila ng magandang epekto nito-NACIATRASCO

NAGA CITY- Naniniwala ang Naga City Allied Transport Cooperative (NACIATRASCO) na kailangang ipagpatuloy ang pagbusisi…

22 mins ago

1 patay, 2 sugatan sa insidente ng pananaksak sa Legazpi City

LEGAZPI CITY - Dead on arrival sa ospital ang isang 31 anyos na lalaki, habang…

26 mins ago