Justine Jazareno, magpapahinga muna sa PVL para tutukan ang pagbubuntis

Magpapahinga muna ang libero ng Akari Chargers na si Justine Jazareno mula sa Premier Volleyball League (PVL) para tutukan ang kanyang pagbubuntis.

Buo ang suporta ni Akari sa bente tres-anyos na dating La Salle Lady Spiker.

Sa kanyang personal na Instagram Story, nagpasalamat din si Jazareno sa VPG Management at sinabing wala siyang pinagsisisihan sa kanyang pagiging ina.

Pumasok si Jazareno sa volleyball pro league sa Second All-Filipino Conference noong Oktubre matapos na iwanan ang kanyang natitirang mga taon sa De La Salle University, kung saan nanalo siya ng UAAP title.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *