Kaalaman sa pagkakarate, malaking tulong sa self defense ng mga kabataan –SK Kagawad

NAGA CITY –Malaking tulong para sa mga kabataan ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkakarate upang madepensahan nila ang kanilang sarili sa mga masasamang elemento sa paligid.

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Vincent Lacrua, SK Kagawad Committee Head ng Peace and Order sa Brgy. Del Rosario sa lungsod ng Naga. Kahapon, Marso 10 ng taong kasalukuyan, matagumpay na naisagawa ang karate training sa barangay kung saan ito ang kauna-unahang proyekto ng binata simula nang mailuklok siya sa posisyon kung kaya isang malaking karangalan ito para sa kanya.

Bilang Committee Head ng Peace and Order at isa ring karate player, nais niyang maibahagi ang mga kaalaman sa pagkakarate sa mga kabataan dahil tiyak na magagamit nila ito hindi lang sa pagdepensa sa kanilang sarili maging sa pagtatanggol sa mga nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *