Kababaihang empleyado ng LGU Mercedes Camarines Norte walang pasok ngayong Biyernes para bigyan ng pagkakataong makapag-relax.

Walang pasok ngayong araw, March 8, 2024 ang kababaihang empleado ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga itong makapag relax at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Mayor Alexander Pajarillo, taon- taon itong ginagawa ng LGU sa tuwing Women’s month upang bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang empleado na makapag relax.

Ayon sa Alkalde, saklaw ng deklarasyon na walang pasok ang lahat ng empleadong babae mapa regular man, contractual at job order employees.

Makakatanggap pa rin ng arawang sweldo ang mga job order employee na hindi papasok ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *