Kabayanihan ng SAF44, mayuyurakan kung isusuko ang teritoryo – PBBM

Nagbigay ng mataas na pagkilala si Pangulong Bongbong Marcos sa naging sakripisyo ay kabayanihan ng tinaguriang SAF 44, kasabay ng ika-9 na taong anibersaryo ng malagim na Mamasapamo massacre ngayong araw.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na huwag nating kalimutan ang aral na iniwan ng SAF44.

Tulad ng unahin ang bansa bago sarili, pagpapakita ng tapang sa gitna ng panganib at hindi pagsuko.

Sinabi pa ng Pangulo na yuyurakan natin ang sakripisyo at kabayanihan ng mga nasawing SAF kung bibigyan ng lugar ang mga teroristang nananakot sa mamamayan.

At parang minamaliit din daw ang kanilang kagitingan kung isusuko natin ang ating teritoryo sa mga tinawag nitong “tresspasser”.

Nabatid na isinagawa ngayong araw ang National remembrance of heroic sacrifice of SAF44, sa bisa ito ng proclamation 164 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 2015 nang mapatay sa engkwentro ang SAF44, matapos ang operasyon na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *