“Kabsat ko, ipateg ko-lamesang bayan” ng 5ID;Inilunsad

Boluntaryong nag-ambagan ang mga kasapi ng 5th Infantry Division Philippine Army sa pakikipagtulungan ng mga government agencies at non-governmental organization upang makalikom ng mga ayuda para sa “Kabsat Ko, Ipateg Ko- Lamesang Bayan.”

Sinimulan na ang naturang proyekto noong April 24 kung saan nabigyan ang mg katutubong Agta sa Cabisera 10, City of Ilagan at sa Burgos, Naguilian, Isabela.

Nakalikom ang kasundaluhan ng mga sari-saring gulay, bitamina at mga damit habang ang mga itlog ay nabili naman sa livelihood program ng mga former rebels.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisaryo sa kanilang mga natanggap na tulong lalo na ngayong nakakaranas sila ng hirap bunsod ng pandemya.

Nagpaabot din ng pasasalamat si MGen Laurence Mina, Commander ng 5ID sa bayanihan ng bawat sundalo na boluntaryong nagbigay mula sa kanilang sahod upang mabigyan ng tulong ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

PHOTO|5ID

Leave a Reply

Your email address will not be published.