Kabuhayan ng mga mangingisda at mga senior citizens sa Bicol Region dapat na bigyan ng atensyon ng bawat LGU- DSWD Regional Director

NAGA CITY – Dapat pagtuunan ng pansin ng bawat lokal na pamahalaan ang kabuhayan ng mga mangingisda lalo na ngayong laging may sama ng panahon.

Kasama  ito sa mensahe ni DSWD Regional Director Norman Laurio sa ginawang programa ng ahensiya kaugnay ng kanilang ika-73rd culminating activity na ginanap sa Legaspi City nitong Pebrero 23, 2024.

Anya’y hindi nila kayang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mangingisda kaya kailangan nila ang suporta rin ng mga LGUs, sa kabila na ang mga ito ay mga  benepisyaryo din ng kanilang ahensiya.  

Kabilang din sa nabanggit pa ni Dir. Laurio na ay ang kalusugan naman ng mga senior citizens na benepisyaryo nila mula sa social pension at iba pang financial assistance na hindi rin sapat sa iba pang mga pangangailangan din ng mga ito araw-araw.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *