Mga naaaksidenteng motorsiklo kadalasang narerespundihan ng Naga CDRRMO

NAGA CITY – Sa halos dalawang daang 200 mga rescue operations ng Naga City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO lalo na sa traffic congestion na ginagawa ngayon sa lungsod dahil sa bagong ruta, anim na pot dalawa 62 ang narerespundihang naaaksidenteng motorsiklo.

Sa panayam kay Ernesto Elcamel, Head ng opisina, maliban sa mas dumarami ang motorsiklo na pumapasok sa lungsod, karamihan pa sa mga driver naka-inom ng alak, kawalang disiplina, at gabi pa nangyayari ang aksidente na dahilan din kaya mataas pa rin ang bilang ng mga aksidente sa kalsada.

Kung saan ang naturang opisina ay nagiging katuwang at partisipasyon na rin sa ginagawang mahigpit na traffic management sa lungsod bilang pagtitiyak na mabigyan ng kaagarang first aid o medikal na atensyon, ang mga nabibiktima sa mga road crashes, o anumang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *