Kadiwa ng Pangulo, ilulunsad ngayong araw sa lungsod ng Maynila

Ilulunsad ngayong araw ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), itatampok dito ang abot-kayang produkto ngayong Kapaskuhan.

Batay sa impormasyon ng ahensya, matatagpuan ang Kadiwa sa JP Laurel Street sakop ng Distrito ng San Miguel.

Magbubukas ito mamayang alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Samantala, tatagal ang Kadiwa ng Pangulo sa Maynila hanggang sa ika-3 ng Disyembre, araw ng Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *