Kagawad, sinampal ng nakaalitang engineer sa Quezon, Quezon

Posible ngayong maharap sa kasong Physical Injury ang isang engineer matapos nitong sampalin ang isang barangay kagawad sa bayan ng Quezon, Quezon nitong Sabado, Pebrero 10.

Ayon sa report, nasa burol umano noon ang nasabing kagawad nang magkaroon ng argumento sa pagitan nila ng suspek na isang engineer.

Nag-dirty finger pa umano ang suspek at dinuro ang biktima.

Matapos ito ay umuwi ang biktima upang kunin ang kanyang motor at nagtungo sa bahay ng suspek upang komprontahin ito subalit bago pa man ito makababa sa motor ay sinampal na ito ng suspek.

Samantala, ang nasabing kaso ay ini-refer na sa Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *