Kagustuhan ng Pilipinas na mag-host sa loss damage fund, iginiit ng Pangulo sa ASEAN

Muling binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa ASEAN-Australia Special Summit ang kagustuhan ng Pilipinas na maging host ng loss and damage fund.

Sa kanyang intervention, binanggit ng Pangulo na ang paghohost ng Pilipinas sa board ay magpapakita ng global commitment sa inclusivity.

Titiyakin din anya ng Pilipinas na mairerepresenta nito ang mga bansa na pinaka apektado ng climate change at magamit ang kanilang karanasan sa pagbuo ng mga polisiya sa pagtugon sa pagbabago ng panahon.

Samantala, hinimok rin ni Pangulong Marcos ang Australia na makipag partner sa Pilipinas para sa climate change efforts gayundin sa pagsusulong ng clean, green, at renewable energy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *