Local News

Kahilingan ng mga tricycle driver na P15.00 na pamasahe, pinayagan na ng LGU Cauayan City

Epektibo na ang kahilingan ng mga tricycle driver sa lunsod ng Cauayan na gawing 15 pesos ang minimum fare sa Poblacion Area matapos umano itong bigyang basbas ng City Government.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay POSD Chief Ret. Col. Pilarito Mallillin, ito ay probationary o temporary lamang habang nararanasan ang walang prenong taas sa presyo ng gasolina.
Aniya, ito umano ang kanilag napag-usapan na increase sa pamasahe mula sa dating 13 pesos na minimum fare.
Mananatili naman aniya sa apat na pasahero ang full capacity na sakay ng mga tricycle.
Paliwanag din niya na kapag nagkaroon na ng rollback at bumalik na sa normal na presyo ng gasolina ay ibabalik din sa dating P13.00 ang pamasahe.
Sinabi pa ni POSD Chief Mallillin, kailangan din kasing amyendahan muna ang ordinansa na nagpapatibay sa 13 pesos na minimum fare bago tuluyang ipatupad ang 15 pesos.
Aniya, nakadipende rin ito sa layo ng pupuntahan ng mga pasahero kung saan magdagdag ang mga ito ng P1.50 sa kada kilometro.
Kaugnay nito ay nakiusap naman aniya ang City Government na huwag sobra ang paniningil ng pamasahe ng mga tsuper dahil kawawa rin ang mga mananakay na apektado ng mataas na presyo ng mga iba pang bilihin.

BNFM Cauayan

Recent Posts

33 street vendor na inireklamo sa Naga, pansamantalang ipinatigil magtinda

NAGA CITY – Pansamantalang ipinatigil magtinda, ang nasa 33 na mga street vendors sa Naga…

1 hour ago

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

3 hours ago

Cong. LRay Villafuerte – kumpyansang susuportahan ng mayorya ang pag-reschedule ng 2025 BSKE sa 2026

Positibo si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na makakukuha siya ng suporta sa kanyang isinusulong…

4 hours ago

NSA Año: kailangan ng aksyon sa nagsabing may ‘phone call’ sa pagitan ng China at ng WesCoM

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng…

4 hours ago

AFP, walang imbestigasyon sa nag-leave na WESCOM Chief na si Vice Adm. Carlos

Nire-respeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang leave of absence ni Vice Adm.…

4 hours ago

PBBM – walang nababalitaang destab plot laban sa kanya mula sa mga active police

Wala umanong natatanggap na report si Pangulong Bongbong Marcos na may nilulutong destab plot ang…

4 hours ago