Kahilingang Multi-purpose Building ng Punong Barangay sa bayan ng Sta. Elena, nilaanan ng pondo ng 1st District Representative ng lalawigan

CAMARINES NORTE- Nilaanan ng pondo ng 1st District Representative ng lalawigan ng Camarines Norte ang kahilingang multi-purpose building ng isang Punong Barangay sa bayan ng Sta. elena.

Ito ay matapos ilapit ng Punong Barangay ang isang resolusyon para sa nasabing proyekto noong June 6, 2023 sa Legislative District Office, sa Anahaw, Labo.

Ang nasabing Multi-purpose Building na itatayo ay nilaanan ng ponding P5,000,000 na gagamiting Evacuation Center o pansamantalang tahanan ng mga pamilya sakaling sila ay maaapektuhan ng kalamidad tulad na lamang ng bagyo.

Ang proyektong ito ay maisasakatuparan rin umano ngayong taong 2023

Sa kabilang banda, mayroong bagong pondong nakalap ang 1st District Representative na P100,000,000 milyog piso na ilalagay sa mga gawaing pang-imprastraktura sa Unang Distrito hiwalay pa sa higit 3 bilyon na nakalatag naman sa General Appropriations Act 2023 (GAA) na kasalukuyang ginagawa sa iba’t ibang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *