Kai Sotto, kayang i-dominate ang buong Asya, ayon kay Gilas Coach Tim Cone

Todo papuri ang head coach ng Gilas Pilipinas na si Tim Cone kay Kai Sotto matapos ang kagila-gilalas na pinakita nito sa dalawang laro ng koponan sa 2025 FIBA ​​Asia Qualifiers.

Binuksan ni Sotto ang window games na may 13 puntos at 15 rebounds sa 94-64 win laban sa Hong Kong noong Huwebes, at sinundan ito ng 18 puntos at 10 rebounds, kasama ang limang assist at tatlong block, laban sa Chinese Taipei noong Linggo .

Saad ni Cone, sa galing ni Sotto mag laro, posibleng ma-dominate niya ang buong Asya.

Nais niya rin maging instrumento upang makatulong sa karera ni Sotto sa laranagan ng basketball.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *