Kalagayan sa Heritage Park, nananatiling “peaceful” ayon sa PNP

Tinawag na ‘peaceful’ ng Philippine National Police (PNP) ang kasalukuyang kalagayan sa Heritage Park ngayong Undas.

Ito ay sa kabila ng pagdalo ng mahigit 3,000 na indibidwal na siyang huling estimated crowd na naitala kaninang bandang alas dyes.

Ayon pa sa awtoridad, patuloy pa ring naka-deploy ang kanilang mga kawani upang tiyakin ang seguridad ng bawat bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdating ng ilang tao upang bumisita sa kabila ng unti-unting pagbuhos ng ulan.

Maalala, ilan lang sa mga kilalang personalidad na nakaburol rito ay sina Henry Sy, Dolphy Quizon Sr. at Rudy Fernandez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *