Kalayaan park sa Legazpi City, agaw atraksyon

LEGAZPI-Muling binuksan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi ang Kalayaan park na matatagpuan sa barangay Bariada Gogon ng lungsod.

Sa ipinalabas na impormasyon ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, kasama na ito sa mga plano na isaayos at isusunod na rin ang pagrehabilitate ng penaranda park, sa harapan ng provincial capitol.

Kung matatandaan, matagal din na panahon na hindi na nabigyan ng kaukulang pansin ang kalayaan park subalit sa bagong itsura nito, makikita ang muling pagbabalik sa orihinal nitong kulay na green at modern fountain.

Sa lungsod, posible itong isa sa mga dadayuhin maliban sa Sawangan park.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *