Kaligtasan ng mga lalahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na linggo pinatitiyak ng DepEd

CAMARINES NORTE- Pinatitiyak ng Department of Education ang kaligtasan ng mga estudyante at school personnel na lalahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake drill sa susunod na linggo.

Batay sa Memorandum na ipinalabas ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla na naka-address sa mga school heads, DRRM Coordinators at DRRM teams dapat umanong matiyak ang kaligtasan ng lahat ng participants sa buong panahon ng drill.

Pinakukunsidera ni Morcilla ang heat index forecast sa mismong araw ng drill at gawin ang lahat ng safety precautions para malimit ang  exposure ng lahat ng participants sa init ng araw.

Iniutos din nito sa mga school head at DRRM Coordinators na makipag ugnayan sa Municipal at Barangay DRRMC para sa anumang suporta na pwede nitong ibigay.

Gagawin ang NSED sa June 8, 2023 sa ganap na alas 9 ng umaga.

Bago ang mismong araw ng drill ay iniutos ng opisyal ang pagsasagawa ng pre-drill meeting sa mga School DRRM Team upang masigurong organisado ito.

Ang mga eskwelahan ay mayroong approved School-Based Earthquake Response Plan (SBERP) na dapat umanong sundin sa pagsasagawa ng drill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *