Kalusugan at kaligtsan ng mga estudyante at guro dapat ikonsidera sa pagbabalik ng face-to-face classes – Go

Dapat ikonsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante, guro at mga non-teaching personnel bago magdesisyon sa muling pagpasok ng mga estudyante sa mga paaralan. Ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go kaugnay sa usapin ng pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon kay Go nauunawaan niya ang mga hamon na kinakaharap lalo na ng mga mahihirap na estudyante para lamang makasabay sa blended learning set-up subalit kailangan din isa-alang-alang ang kapakanan ng lahat sa mga eskwelahan.

Sinabi ni Go na para sa kanya hindi kailangan magmadali at bigyan ngkonting panahon ang mga guro lalo’t mahirap umano kapag meron nagpositibo na isang guro o estudyante dahil naka-focus ngayon ang pamahalaan sa pagbabakuna.

Dagdag pa ng Senador hanga’t hindi pa nababakunahan ang mayorya ng populasyon sa Pilipinas ay hindi siya pabor na ibalik ang face-to-face classes. Iginiit naman ni Go na hindi dapat makompromiso ang edukasyon ng mga mag-aaral kasabay ng panawagan sa DepEd at ibang mga ahensiya na gumawa ng paraan para mapaganda pa ang sistema sa blended learning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *