Kalusugan ng mga hayop nasa panganib din dahil sa pabago-bagong klima

NAGA CITY –Hindi lang tao ang nanganganib ang kalusugan dahil sa panahon ngayon na paiba-iba pati ang klima kundi maging ang mga alagang hayop at ang mga backyard animals tulad ng baboy, kambing, baka at kalabaw, kaya kailangan ng mga ito ang dagdag na resistensiya sa katawan para maiwasan ang mga sakit tulad ng African Swine Fever.

Sa Camarines Sur, ang mga lokal na pamahalaan ma pamahalaan ay may kanya-kanyang programa at ginagawang aktibidad para malabanan ang anumang sakit sa mga alagang hayop, tulad ng sa San Fernando, partikular na ang Municipal Agriculture Office ay may programa.

Ito ang ginagawa nilang regular nadeworming , pagbabakuna at pagbibigay ng mga bitamina sa mga nabanggit ng mga hayop, para matiyak na ligtas ang mga ito sa anumang virus,bacteria na magdudulot ng sakit.

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Allan Salvador ang Municipal Agriculturist Officer sa naturang bayan at nabanggit niya na ayaw niya ng maulit pa an g mga senaryong epekto ng ASF na kung saan maraming alagang baboy ang na depopulate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *