Kamara, aprubado na sa pinal na pagbasa ang P5.268-T 2023 budget

Agad na inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na P5.268-trillion national budget para sa 2023.

Kaugnay nito, kabuoang 289 na mga mambabatas ang bomoto ng yes sa House Bill No. 4488, o ang 2023 General Appropriations Bill, tatlong negative votes at walang abstentions.

Ang mabilis na pagpasa ay matapos ang dalawang araw nang sertipikahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang budget bill bilang urgent.

Giit kasi ni Marcos, agad na kailangang mapasa ang panukala para matugunan ang pangangailangan na mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno kasunod ng pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year, pagpapalakas sa mga hakbang para sa mas epektibong COVID-19 pandemic, at suportahan ang mg ainisyatibo tungo sa national economic recovery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *