Kamara, may ipinalit nang bagong Deputy Speaker sa 19th Congress

May papalit na sa binakanteng posisyon ni Finance Secretary Ralph Recto sa liderato ng Kamara.

Ito ay si Quezon Second District Representative David Suarez na itinalaga bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress.

Sa pagbabalik-sesyon ng Mababang Kapulungan, inanunsyo ni Majority Leader Mannix Dalipe ang pagtatalaga kay Suarez sa Deputy Speakership kapalit ni Recto.

Si Dalipe ang nag-mosyon para gawing Deputy Speaker si Suarez at wala namang kongresistang tumutol.

Inanunsyo rin sa plenaryo na si Speaker Martin Romualdez ang tatayong caretaker ng ika-anim na distrito ng Batangas na iniwan ni Recto bago italaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Finance.

Mababatid na si Suarez ang nagpaimbestiga sa House Committee on Legislative Franchises sa alegasyon ng isa sa mga host ng Sonshine Media Network International na gumastos umano si Romualdez ng 1.8 billion pesos para sa mga biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *