Kamara, prayuridad ang 2022 nat’l budget sa resumption ng sesyon

Prayuridad ng House of Representatives na maipasa ang 2022 national budget sa oras na magbukas ang third regular session ng Kongreso sa susunod na buwan.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, prayuridad ng Kamara ang mga panukala na nagsusulong para sa economic recovery at pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Sinabi naman ni Romualdez na mananatili ang pagsusulong para sa Bayanihan 3, matapos na aprubahan na ito ng House sa final reading.

Pagbabahagi ng mambabatas, nakipagpulong na sila ni Speaker Lord Allan Velasco kay Finance Secretary Carlos Dominguez para talakayin ang pondo na ibibigay bilang ayuda sa lahat ng mga Pilipino, anuman ang kanilang social status.

Ang Bayanihan 3, o Bayanihan To Arise As One Act, ay naglalayung maglaan ng P401 billion na pondo. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *