Kampanya laban sa isinusulong na Cha-Cha, inumpisahan na ng ilang grupo

Inihahanda na ng ilang grupo ang mga hakbang para kuwestyonin nag mga nakolekang lagda para sa isinusulong na People’s Initiative (PI) na layong amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares – nagpakalat na sila ng sariling forms nila na layon namang kontrahin ang mga nauna nang lagda para sa PI.

Sa ilalim ng naturang affidavit – maaaring ipa-withdraw ang mga pirma lalo na kung ‘di talaga nila alam kung ano ang napirmahan nila, sa gitna ng mga alegasyong ‘di umano’y ginamit ang ayuda programs ng Gobyerno para makalikom ng mga lagda.

Maliban pa rito, inihahanda na rin daw nila ang petisyon kontra sa PI na ihahain sa Commission on Elections (COMELEC), at kung maaari ay handa nila itong iakyat sa Korte Suprema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *