Kampo ni Quiboloy muling nanindigan na hindi konektado ang Pastor sa SMNI

Muling nandigan ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na hindi konektado  ang Pastor sa mga operasyon ng Sonshine Media Network International.

Ayon sa abugado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na  simula pa noong 2018 ay hindi na kasama si Quiboloy sa mga operasyon ng SMNI.

Sinabi pa ni Topacio na honorary chairman lamang ng naturang network ang kaniyang kliyente.

Matatandaan na inisyuhan ng subpoena ng Kamara si Quiboloy para humarap sa congressional inquiry kaugnay sa panawagan na i-revoke ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na pinapatakbo at inooperate ng SMNI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *