Kampo ni Teves, planong dalhin sa UNHRC ang issue laban sa dating mambabatas

Nanindigan ang kampo ni dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na maaari nilang dalhin sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang kaso nito dahil pinahihintulutan naman ito sa ilalim ng international law.

Ayon sa legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ang Pilipinas ay signatory ng UN Declaration of Human Rights at international law.

Dahil dito, ang isang indibidwal aniya ‘as opposed to states’ ay subject na rin sa international law.

Paliwang pa ni Topicio, dahil ang bansa ay isang member-state, pupwedeng mag-exert ng moral suasion at diplomatic pressure. Samantala, sinabi naman ng Department of Justice na hindi nito kinikilala ang ano mang kampo na tumatangging sumailalim sa sariling justice system ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *