Kantang ‘Selos’ ni Shaira, magbabalik na sa mga streaming platforms

Malapit nang magbabalik sa mga online streaming platforms ang viral song na “Selos” ng Moro singer at tinaguring Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira.

Kinumpirma ng singer na nagkasundo na ang kanyang grupo sa Australian singer na si Lenka, matapos aksyunan ang hininalang copyright plagiarism.

Ayon kay Shaira, walang sinampang kaso ang Australian singer laban sa kampo niya at naging mahinahon at mapayapa ang kanilang pag-uusap.

Inamin naman nito na nasaktan siya sa mga batikos na natanggap niya sa isyu, ngunit kinuha niya ito bilang bahagi ng kanyang learning curve na magsisilbi niyang inspirasyon sa pagpasok nito sa music industry.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *