Kapitan ng nasunog na MV Mercraft 2, nasa kustodiya na ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nasa kustodiya na nila ang kapitan ng MV Mercraft 2 matapos itong masunog Lunes ng umaga.

Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilo magsisimula ngayong araw ang kanilang pagsisiyasat sa nangyaring trahedya upang maliwanagan kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Sinabi ni Balilo na inatasan sila ng Department of Transportation (DOTr) na silipin ang lahat ng anggulo sa naturang pangyayari na kumitil sa buhay ng pitong indibidwal at ikinasugat ng 24 na iba pa.

Batay sa manifesto na hawak ng PCG nasa 134 ang kabuoang sakay ng fast craft vessel na may rutang Polillo-Real-Polillo kung saan na binubuo 126 pasahero at 8 crew members.

Samantala nakatakda naman magsagawa ng parallel investigation ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa naturang insidente.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *