Kapitbahay ng may-ari ng asong si Killua, inaming pinatay ang aso

Inamin ng kapitbahay ng may-ari ng asong si Killua na si Anthony Solares na kanyang pinatay ang aso.

Ayon kay Solares, pinukpok niya ito ng bato at kahoy para wala na raw mabiktima pang iba.

Naniniwala ang lalaki na ginawa lang nito ang nararapat dahil kung hindi nito tinulungan ang matanda ay baka kung ano pa ang nangyari.

Pinabulaanan naman ni Solares na kakatayin daw nito ang aso at hindi rin daw siya ang naglagay sa loob ng sako.

Samantala, kita sa CCTV na hinabol nito ang aso pero paliwanag ng lalaki mukhang wala na raw sa sarili si Killua.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *