Kapulisan may mga persons of interest na sa serye ng holdap sa Koronadal

KORONADAL CITY — MAY persons of interest nang tinututukan ang Koronadal City PNP ukol sa serye ng panghohold-up at snatching na nangyayari sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Col. Joedy Lito Guisinga, OIC Chief of Police ng Koronadal City PNP may iilang grupo nang tinututukan ang mga kapulisan sa mga nangyayaring insidente.

Inihayag din nito na tinututukan din nila ang mga boundaries sa syudad upang masiguro na nababantayan ang mga labas-masok sa lungsod.

Hiling na lamang ni Guisinga sa mga nangmamay-ari ng mga tindahan lalo na ang mga nasa malalayong barangay na maging alerto sa lahat ng oras.

Ito’y dahil mga tindahan ang madalas biktima ng holdap sa lungsod.

Dagdag pa nito na kung maaari, magsara ng mas maaga upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *