Karagdagang 2.2 milyong Pfizer vaccine doses, darating sa PH sa June 11 – Galvez

Nakatakda nang dumating sa bansa ang karagdagang 2.2 milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa June 11.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ididiretso ang mga paparating na bakuna sa mga bayan sa Cebu, Davao, at Metro Manila. 

Sinabi ng opisyal na magkakaroon na ng steady supply ng vaccines ang Pilipinas mula sa COVAX Facility kung saan mahigit dalawang milyon ang maipapadala kada buwan.

Una nang sinabi ni Galvez na darating ang Pfizer shots bago matapos ang Mayo. 

Mababatid na sinabi kahapon ng Malacanang na nasa 3.4 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang ide-deliver sa bansa ngayong buwan. 

As of May 30, umabot na sa 1.2 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. 

Sa ngayon, mayroon nang 1,230,301 confirmed cases ng COVID-19 sa bansa; 20,966 na ang nasawi habang 1.1 milyon na ang naka-rekober.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *