Karagdagang buwis sa junk foods at sweetened beverages, isinusulong ng pamahalaan

Isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang dagdag-buwis sa junk foods at sweetened beverages.

Layunin nito na maresolba ang isyu sa obesity sa bansa, at mapalakas ang revenue para sa Universal Healthcare Law.

Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mas pinaaga ang pagsusulong sa naturang panukala na nakaplano sana para sa taong 2025, ngunit iniurong noong 2024.

Inaaasahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na makakalikom ng P53.7 billion revenues mula sa mungkahing pagdadagdag ng buwis sa sweetened beverages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *