Karaniwang mga paglabag ng negosyante, inilahad ng SSS

SORSOGON CITY – Inilahad ng SSS ang mga karaniwang paglabag sa Social Security Law ng mga negosyante.

Kabilang dito ay ang hindi pagrerehistro sa SSS ng kanilang negosyo, hindi pagbibigay ng talaan ng mga empleyado at hindi pagbabayad ng SSS contribution.

Umaabot umano sa milyon na halaga ng hindi nabayarang kontribusyon ang hindi nakokolekta ng mga sangay ng SSS sa mga establisamiyento sa buong Bicol.

Ayon kay Vice-President for SSS Luzon Bicol Division Elenita Samblero, inaasahan umano nila na sa pagsasagawa ng magkakasabay na RACE o Run After Contribution Evaders campaign sa buong Bicol ay mas lalong mapataas ang kamalayan ng mga employer sa pagtalima sa Social Secuirty Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *