Karla Estrada nagpasalamat sa kanyang mga “Sangkay”

Nagpasalamat ang TV host na si Karla Estrada sa kanyang mga Sangkay (kaibigan) sa Tacloban matapos ang pag-oorganisa ng mga ito ng community pantry para sa ika-26 na kaarawan ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Sinabi ni Karla na buong puso na ginawa ito ng kanyang mga kaibigan para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel.

Inanunsyo rin ni Karla sa kanyang Instagram post na naghatid rin sila ng ayuda sa mga nangangailangan para ipagdiwang ang kaarawan ni DJ.

Samantala, nagpaabot rin ng pagbati kay DJ ang ina ng kanyang nobya at other half ng tambalang KathNiel na si Kathryn Bernardo.

Bahagi ng mensahe ng ina ni Kathryn ang sinabi nito na: “Nakita din naming lahat ang tunay na Daniel John Ford, maalaga, mapagmahal at mabait na anak at kapatid. Ngayon, muling nadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad, we always pray that God bless you more, gives you strength and teach you more additional knowledge to face the future,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *