Karnaper, naaresto ng Batangas PNP sa Muntinlupa City

Naaresto ng mga otoridad ang lalaking wanted dahil sa kasong carnapping sa ikinasang operasyon sa Putatan, Muntinlupa City.

Kinilala ng Batangas PNP ang akusado na si Teddy Balagon y Alcota, 46-anyos, tubong  Hinunangan, Southern Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Putatan, Muntinlupa City.

Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto si Balagon ng pinagsanib na pwersa ng Tuy Municipal Police Station at Muntinlupa City Police Station nitong madaling araw ng Lunes, July 17.

Si Balagon ay wanted dahil sa kasong paglabag sa RA 6539 o ‘Anti-Carnapping Act of 1972.”

Ayon sa imbestigasyon, hindi umano ibinalik ng akusado sa may-ari ang nirentahan nitong sasakyan noong Mayo 2021.

Agad na nagtago si Balagon matapos ang ginawang pangangarnap hanggang sa tuluyang matuntun ng mga otoridad ang kinaroroonan nito.

Nasa kustodiya na ng Tuy MPS ang akusado at nakatakdang harapin ang kanyang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *