Kaskasirong driver, binalaan ng LTFRB

Binalaan ng Land transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na maghinay-hinay sa pagmamaneho.

Ito ay kasunod ng reklamong nakarating sa tanggapan mula sa isang pasahero na si Rogh Montecillo na nakaranas umano ng ‘trauma’ habang nakasakay sa isang Roro Bus unit nitong Martes, January 30 sa Palawan.

Ayon kay LTFRB MIMAROPA Dir. Loumer P. Bernabe, 40 Kilometer per hour ang speed limit ng mga bus sa lungsod habang at 80 KM/h lamang kung na sa National highway.

Ang sinumang driver na hindi susunod sa itinakdang speed limit ay maaaring maharap sa kaukulang parusa ng regulatory board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *