Kaso laban sa suspek sa pagpatay kay Roselle Bandojo, ibinasura ng Naga City Prosecution Office

NAGA CITY- Sa mabigat na kalooban, kinumpirma sa Brigada News FM Naga ng pamilya ni Roselle Bandojo na na dismissed ang kaso laban kay Lorenzo “Enzo” Purisima. 

Sa 33 pahinang desisyon ng Naga City Prosecution Office nakasaad na may  “insufficiency of evidence”  sa kasong Robbery with Homicide. Inirekomenda ng prosekusyon ang kasong Theft, kaugnay ng pagnanakaw at pagbebenta ng cellphone ng biktima.

Ayon kay Fiscal Virgilio Balane, Jr Senior Assistant , City Prosecutor sinabi nitong dalawang aspeto ang tiningnan ng panel upang maiakyat sa Korte ang kaso para dinggin. Una kung mayroong elemento ng offense o reklamo at pangalawa ano ang isinumiteng mga ebidensya. Ayon aniya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga naisumite ay mga “circumstantial evidence” , kulang ang “direct evidence” tulad ng eyewitnesses o testigo na nag bigay ng salaysay na nakita ang krimen laban sa pedicab driver na si Purisima. Hindi aniya naging sapat ang circumstantial evidences. Hindi rin naging matagumpay ang mga “object evidence”  o mga gamit na magkokonekta kay Purisima sa krimen.

Binisita ni Mayor Son Legacion ang pamilya; may dalawang nakikitang susunod na hakbang; pag file ng motion for reconsideration o pag-akyat ng kaso  sa Department of Justice (DOJ) at pagsampa muli ng kaso na may mga dagdag pang ebidensya na magdiin kay Pursima. Siniguro ng opisyal ang patuloy na pagtutok sa kaso.

Si Bandojo ang ang Senior High School Student na nawala maulang gabi noong Hulyo 22, matapos ang anim na araw na kalbaryo ng paghahanap, Hulyo 28 ng umaga matagpuan ang naagnas na bangkay sa abandonadong lote sa Barangay Liboton. Ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Binuo ang Task Force Bandojo, may mga nagpalabas ng reward, naaresto ang suspek pero sa iba pang kasong kinasangkutan nito,  matapos ang ilang buwan Hustisya ang muling panawagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *