Kaso ng COVID-19 sa Catanduanes pumalo na sa 967; 80% ng target population sa lalawigan, nabakunahan na

CATANDUANES— Pumalo na sa 967 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes matapos na makapagtala ng 12 bagong kaso nitong weekend.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, dalawang bagong kaso ang naitala nitong Sabado mula sa mga bayan ng Gigmoto at Pandan habang sampong bagong kaso naman ang naitala kahapon araw ng Linggo, kung saan anim nito ang mula sa bayan ng Pandan habang tig dalawa ang mga bayan ng Baras at Virac.

Bunsod nito, pumalo sa 141 ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes.

Samantala, sumampa na rin sa 815 ang bilang ng mga gumaling makaraang maitala ang tatlong recoveries nitong araw ng Sabado habang nananatili naman sa 11 ang COVID-19 fatalities sa islang probinsya.

Kaugnay nito, dumating nitong araw ng Sabado ang karagdagang 4,000 doses ng Sinovac vaccine sa Catanduanes kaya’t inihayag ng PHO na magpapatuloy ang vaccination roll out sa lalawigan.

Patuloy din ang paghikayat sa mga Catandunganon na makiisa sa nagpapatuloy na pagbabakuna lalo na ang mga kabilang sa priotity groups.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office nitong August 13, nasa 80%  na ng target population sa lalawigan  ang nabakunahan na kontra sa nakamamatay na virus.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *