Kaso ng COVID-19 sa Isabela; sumampa na sa 1, 250

Sumampa na sa 1, 250 ang total active cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos maitala ang 127 na panibagong kaso ngayong araw, August 16, 2021.

Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), naidagdag din sa bilang ng mga gumaling ang 41 new recoveries at 6 na nasawi.

Sa ngayon ay umabot na sa 922 ang death toll sa probinsya dahil sa COVID-19.

Nangunguna pa rin ang Cauayan City sa may pinakamaraming aktibong kaso na mayroong 182 na sinundan ng bayan ng Tumauini na nakapagtala ng 131 cases, City of Ilagan na may 81 cases, Cabagan na may 74, Santiago City na may 67 at Luna na mayroong 62 cases.

Habang zero active case naman ang coastal town ng Dinapigue at Palanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *