Kaso ng Covid-19 sa Koronadal lagpas 1,000 na

KORONADAL CITY — LUMAGPAS na sa 1,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal mula noong Marso 2020.

Sa datus na inilabas ng City Health Office ng lungsod kanina, umaabot na sa 1,051 ang kabuuang kumpermadong kaso ng Covid-19 sa Koronadal.

Sa nabanggit na bilang 844 ang naka-recover at 21 ang namatay.

Sa ngayon, tumaas pa 171 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Ang Barangay Sta. Cruz naman ang may pinaka-maraming aktibong kaso sa ngayon na umaabot sa 45 na sinusundan ng Barangay General Paulino Santos na may 29 habang pangatlo ang Barangay Zone III na may 26.

Napag-alaman na sa buong South Cotabato, Koronadal ang nangunguna sa buong lalawigan sa may pinaka-maraming kaso na sinusundan ng Polomolok sa 558 at Tupi na may 115.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *