Local News

Kaso ng Covid-19 sa Koronadal lagpas 1,000 na

KORONADAL CITY — LUMAGPAS na sa 1,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal mula noong Marso 2020.

Sa datus na inilabas ng City Health Office ng lungsod kanina, umaabot na sa 1,051 ang kabuuang kumpermadong kaso ng Covid-19 sa Koronadal.

Sa nabanggit na bilang 844 ang naka-recover at 21 ang namatay.

Sa ngayon, tumaas pa 171 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Ang Barangay Sta. Cruz naman ang may pinaka-maraming aktibong kaso sa ngayon na umaabot sa 45 na sinusundan ng Barangay General Paulino Santos na may 29 habang pangatlo ang Barangay Zone III na may 26.

Napag-alaman na sa buong South Cotabato, Koronadal ang nangunguna sa buong lalawigan sa may pinaka-maraming kaso na sinusundan ng Polomolok sa 558 at Tupi na may 115.

BNFM Koronadal

Recent Posts

Pagsisiga malapit sa National Greening Program Sites ng DENR, iwasan

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 sa mga residente malapit sa…

34 seconds ago

Chinese rocket debris – pinaniniwalaang bumagsak sa bahagi ng Patag Island

Posibleng bumagsak na ang mga debris mula sa Chinese rocket na ni-launch kamakailan. Ayon sa…

51 seconds ago

Patay nga pawikan, nasapwan sa baybayon

Patay na sang masapwan ang isa ka Olive Ridley turtle nga babaye sa baybayon sang…

9 mins ago

P862 Million na halaga ng tanim na marijuana sa Kalinga, sinira

Umabot sa halos P862, 000, 000 na halaga ng pinatuyong dahon at tanim na marijuana…

13 mins ago

Human Rights Watch – wi-nelcome ang posibleng panunumbalik ng Pilipinas sa ICC

Wi-nelcome ng Human Rights Watch (HRW) ang posibleng pagbalik muli ng Pilipinas sa International Criminal…

16 mins ago

Ekonomiya ng Pilipinas – lumago ng 5.7% sa unang kuwarter ng taon//LGD

Bahagyang bumalis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumilis…

35 mins ago