Mindanao

Kaso ng Delta variant sa region 12, nananatili sa 9

KORONADAL CITY- NANANATILI pa rin sa 9 ang kaso ng Delta variant ng COVID 19 sa region 12. Ito ang inihayag ni Department of Health o DOH 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso.

Nilinaw din ni Gangoso ang unang naiulat na 11 cases ng Delta variant sa rehiyon.

Ayon sa opisyal na batay sa imbestigasyon at validation na kanilang isinagawa, wala sa region 12 ang dalawang pasyente na infected ng Delta variant.

Aniya, inilagay lamang ng mga ito na permanent address ang rehiyon 12.

Napag-alaman na lahat ng mga probinsya sa Soccsksargen ay may kaso ng Delta variant, ang North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Saranggani.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Gangoso na sa kabila ng naitalang mga kaso ng Delta variant, walang pagbabago sa ipinatutupad na minimum health protocols dahil parehas lang naman umano ang paraan ng transmission ng virus.

Ang Delta variant ay mas nakakahawa kumpara sa original SARS CoV-2.

BNFM Koronadal

Recent Posts

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

2 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago