Kaso ng dengue sa bansa, bumaba sa gitna ng epekto ng El Niño

Bumaba ang mga kaso ng Dengue sa buong Pilipinas sa unang kalahati ng Enero ngayong taon.

Ito ay sa gitna ng nararanasang matinding El Niño sa bansa ayon sa Department of Health.

Ayon sa DOH, naobserbahan nito ang pagbaba ng mga kaso ng dengue sa bansa mula December 3 hanggang 31 nitong nakaraang taon.

Mula sa 7,274 na mga kaso noong nakaraang taon, mas bumaba pa ito sa 5,572, na naitala noong January 1 hanggang 13 ngayong taon.

Dagdag pa nito, ang mga numerong ito ay maaari pa ring magbago.

Naitala din sa buong bansa ang 14 na pagkamatay dahil sa dengue sa kaparehong panahon, na nagdala sa case fatality rate na 0.25%.

Matatandaan na una nang nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa laban sa mga sakit na nauugnay sa init na maaaring lumitaw ngayong El Niño phenomenon na nararanasan sa bansa.

Aniya ang mga vector-borne diseases tulad ng dengue, at mga sakit na dala ng tubig tulad ng acute gastroenteritis ay maaari ding laganap sa panahong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *