Kaso ng dengue sa bansa, bumaba

Bumaba ng 11% ang dengue cases sa buong bansa simula noong January 14 hanggang 27.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mayroong 7,434 sa nasabing period.

Mas mababa ito kumpara sa 8,368 na kaso simula January 1 hanggang 13.

Sa kabila niyan, binigyang-diin ng DOH na ang naitala nilang bilang ay posible pa ring magbago dahil sa delayed na konsultasyon at pagre-report ng dengue cases.

Muling paalala ng DOH – ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan at pagkakaroon ng preventive measures.

Dapat din umanong pagtibayin ang 5S strategy laban sa dengue – ang search and destroy mosquito breeding sites; self-protection measures; seek early consultation; say yes to fogging; at start and sustain hydration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *